--Ads--

CAUAYAN CITY – Umarangkada na ang 2nd batch ng partnership for education advancement and community empowerment o PEACE Program ng 5th Infrantry Division, Philippine Army sa Ilocos Region.

Umabot sa 74 ang naging benepisaryo ng 2nd batch na nagsimula noong September 24 at aasahang magtatapos ng October 10.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauyan kay kay Police Major Ed Rarugal, Hepe ng Division Public Affairs Office ng 5th ID, sinabi nito na mas maraming sumali ngayong 2nd batch kung ikukumpara sa unang bukas ng programa na nasa 39 beneficiaries lamang.

Aniya, bukas pa rin nagnanasang pumasok sa pagsasanay ang programa dahil nasa 100 beneficiaries naman ang kanilang quota.

--Ads--

Inilahad din ni hepe na bagamat halos nasa tatlong linggo lamang ang training, tiniyak nito na intensive at extensive ang kanilang pagsasanay upang masigurong matututo ang mga ito.

Dagdag pa nito, may naghihintay din na trabaho kapag natapos ang mga benepisaryo sa kanilang training subalit nilinaw din niya na dapat handa ang mga ito na mai-assign sa iba’t ibang panig ng bansa.

Sinabi rin niya na nanatiling tiles setting at painting pa lamang sa ngayon ang iniaalok na training alinsunod pa rin sa offer na mga trabaho ng kanilang partners sa nasabing programa.

Samantala, nakatakda naman na magbuka ang 3rd batch ng training sa darating na October 20 na gagaganapin dito lalawigan ng Isabela.