--Ads--

CAUAYAN CITY – Makalipas ang tatlong buwan ay naaresto na ng Pulisya si Rackan Pajimna ang live-in partner at itinuturong utak sa karumal dumal na pagpatay kay Camille Balayan.

Matatandaan na noong June 23,2024 nang matagpuan ang bangkay Camille sa isang Farm sa Brgy. San Vicente, Tumauini, Isabela.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PCapt. Ronnie Heraña ang Investigation Chief ng Ilagan Police Station sinabi niya na nagkasa sila ng malalimang imbestigasyon katuwang ang Tumauini Police Station at sa pamamagitan ng backtracking sa CCTV footage ay natuklasan na suspek na si Pajimna ang huling tao na nakasama ng biktima bago nadiskubre ang krimen.

Naging daan ito para maisilbi nila ang Warrant of Arrest na ipinalabas ni Hukom Grace Manaloto ng RTC Branch 18 City of Ilagan sa kasong murder laban kay Pajimna.

--Ads--

Una rito ay nag ulat pa ang suspek kasama ang anak ng biktima sa himpilan ng Pulisya para umano iulat ang pagkawala ng biktimang si Camille.

Lingid sa kaalaman ng suspek na nag-flash alarm na ang Tumauini Police Station sa lahat ng mga himpilan ng Pulisya kaugnay sa natagpuang bangkay ng isang babae na kalaunan ay positibong kinilala na si Camille Balayan na residente ng Calamagui 1st City of Ilagan.

Batay sa saksi na June 22,2024 ng gabi ay nagpaalam pa ang biktima na pupunta sa apartment kung saan nakatira ang suspek.

Batay naman sa resulta ng isinagawang autopsy ay death by strangulation ang sanhi ng pagkamatay ni Camille maliban pa ito sa ilang circumstantial evidence na nakuha ng mga otoridad sa sasakyan ng suspek gaya ng blood stain.

Lumabas din sa imbestigasyon na ito ay crime of passion o selos dahil bago napaulat na nawawala ang biktima ay may ilang witness o saksi pang nakakita na tila nag-aaway si Pajimna at Camille sa loob ng kanilang sasakyan.