--Ads--

CAUAYAN CITY – Inilunsad ng Philippine Health Insurance Corporation Inc. O Philhealth ang Konsultasyong Sulit at Tama o KonSulTa Caravan sa lalawigan ng Quirino.

Ang nasabing programa ay dinaluhan ng mga opisyal ng PhilHealth Region 2 na pinapangunahan ni Regional Vice President BGen. Llewelyn Binasoy.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay BGen. Llewelyn Binasoy, Regional Vice President ng Philhealth Region 2, sinabi niya na ang KonSulTa Caravan ay naglalayong irehistro ang mga PhilHealth Direct-paying members, partikular ang mga empleyado ng Provincial Government at kanilang mga benepisyaryo, sa kanilang napiling primary care facility para ma-access ang Konsulta outpatient benefit package.

Ang PhilHealth Konsulta ay isang bagong programa na nagbibigay ng libreng serbisyong medikal para sa mga miyembro ng PhilHealth.

--Ads--

Layunin nito na mabigyan ang bawat Pilipino ng regular na check-up, libreng laboratory tests, at gamot upang mapanatiling malusog at malayo sa sakit ang bawat pamilya.

Aniya isinasagawa nila ang caravan upang mailapit sa mga mamamayan ang serbisyo ng Philhealth kung saan ginanap ito sa Capitol Gymnasium, Cabarroguis, Quirino.