CAUAYANN CITY- Generally peaceful ang walong araw ng filling ng Certificate of Candidacy sa buong Lambak ng Cagayan.
Umabot sa 2, 291 ang mga naghain ng knadidatura kabilang dito ang 27 House of Representative, 18 Governors,12 Vice Governors, 105 Board Members, 190 Mayor, 201 Vice Mayor at 1738 na Municipal at Citry Councilor.
Kabilang sa walong maglalaban laban na Governors sa buong Cagbayan Valley ay sina para sa Ronald Aguto, IgnacioVilla, Lebardo Abad Jr, Telesporo Castillejos para sa Batanes .
ang Governatorial Race sa Cagayan ay pinangungunahan nina Melvin Vargas jr., Dr. Zarah Lara at Edgar Aglipay.
Maglalaban laban naman para sa Gobernatorial race sa Lalawigan ng Quirino sina Lolito Bucasan, incumbent Governor Dakila Cua, at Reynison Santos.
Para sa Lalawigan ng Isabela nariyan si incumbent Governor Rodito Albano,Glorieta Almazan, Edgardo Edralin, Emannuel Pua at Manuel Siquian.
Habang sa Lalawigan ng Nueva Vizcaya ay pinangunahan nina Luis Cuaresma, Maybel Tinglao Sevillena at incumbent Governor Jose Gambito.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Assistant Regional Director Atty. Jerbee Cortez ng COMELEC Region 2, sinabi niya na sa ngayon ay nagsasagawa na sila ng consolidation kung saan papasok ang ilang mga ulat kaugnay sa mga aspirants na hindi nakahabol sa deadline.
May ilang kandidato na ang nag withdraw at nag substitute partikular dito sa Lunsod ng Cauayan sa katauhan ni SP Member Egay Atienza na pinalitan ni Kapitan Benjie Dy na tatakbo bilang Bise Mayor ng Lunsod.
Sa mga sususnod na araw ay magsasaka na sila ng pagpupulong sa October 14 kung saan tatalakayin ang mga nagparehistro mula buwan ng Hulyo hanggang Setyembre na aabot sa 70,000 voters.