--Ads--
Walang paglabag sa batas ang ginawang paghahain ng Certificate of Candidacy ni Pastor Apollo Quiboloy na tatakbo bilang Senator sa 2025 NAtional and Local Election kahit pa may kinakaharap itong kaso.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Atty. Domingo Egon Cayosa, dating Presidente ng Integrated Bar of the Philippines na ang disqualification para sa isang kandidato ay dapat munang mahatulan na guilty, subalit dahil sa nakabinbin pa ang kaso ni Quiboloy sa Korte at kasalukuyang nililitis ay may karapatan parin siyang kumandidato.
Para kay Atty. Cayosa posibleng matatagalan pa ang paglilitis sa mga kasong kinakaharap ni Quiboloy hanggang sa matapos ang Halalan.