--Ads--

Walang anumang nakikitang problema ang dating Pangulo ng Integrated Bar of the Philippines o IBP sa hindi pagtatalaga kay Vice President Sara Duterte bilang caretaker ng Bansa kasabay ng paglipad ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Para dumalo sa  ika-44th at 45th ASEAN Summit na gaganapin sa Laos.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Atty. Domingo Egon Cayosa sinabi niya na wala namang nakasaad sa kontitusyon kaugnay sa pagtatalaga sa bise Presidente bilang caretaker sa temporary absence ng Pangulo sa Bansa.

Maliban pa dito ang kasalukuyang tensyon o tila hindi pagkakaunawaan sa pagitan nina Marcos at Duterte.

Karaniwan aniya na itinatalaga bilang care taker ang executive secretaries o sino mang cabinet members.

--Ads--

Bilang care takers ay sila ang nataasang gumawa ng mga ordinary key functions habang wala ang Pangulo ng Bansa.