--Ads--

CAUAYAN CITY- Sumampa sa 4.8 million pesos ang initial damages na iniwan ng sunog na tumupok sa isang Appliance center sa Magsaysay Alicia Isabela.

Pasado alas-5 ng hapon ng sumiklab ang sunog sa S and J Marketing Alicia Branch na matatagpuan sa Barangay Magsaysay Alicia, Isabela.

Maliban sa mga mamahaling applicances ay nadamay din sa sunog ang isang kolong-kolong at isang single motorcycle na naki parking lamang sa naturang establisyimento dahil naganap ang isidente sa kasagsagan ng malakas na pag-ulan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay SFO1 Christian Ramirez ng BFP Alicia, Isabela sinabi niya na pasado alas-6 naiulat sa BFP ang nagaganap na sunog sa Barangay Magsaysay.

--Ads--

Bahagyang nahirapan ang mga personnel ng BFP na pasukin ang establisimento dahil sa naka-lock garage door nito.

Pinahatak na lamang aniya ito sa isang sasakyan upang masira at mapasok ng mga bumbero.

Naging katuwang nila sa pag-apula ng sunog ang Angadanan Fire Station,Echague Fire Station,  Cauayan Fire Station, San Mateo Fire Station, at ilang Fire Volunteer Brigade kaya pasado alas 8 ng gabi idineklara na itong fireout.

Batay sa kanilang initial investigation nagkaroon ng power interruption dahil sa malakas na pag buhos ng ulan subalit makalipas lamanga ng ilang sandali ay bumalik din ang supply ng kuryente.

Dito ay nakakita ang isang saksi na may nag spark sa loob ng establisyimento na siyang posibleng pinag simulan ng sunog.

Sa ngayon magpapatuloy ang kanilang pagsisiyasat para matukoy ang kabuuang halaga ng pinsala dahil sa sunog.