--Ads--

CAUAYAN CITY- Naitala na ng Kagawaran ng pagsasaka ang higit 200 milyong pesos na halaga ng pinsala sa sektor ng agrikultura sa tatlong lalawigan sa Lambak ng Cagayan dahil sa pananalasa ng Bagyong Julian.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Regional Technical Director Kay Olivas ng DA Region 2 sinabi niya na
Umabot na ang production value lost ay 221.5 million mula sa tatlong Lalawigan sa Region 2 kabilang ang Cagayan, Batanes at Isabela.

Pinaka napinsala ang mga pananim na mais , high value crops at irrigation system sa Cagayan, totally damage naman ang agricultural crops kabilang ang live stock and poultry, fisheries, at agricultural structure sa Batanes na may kabuuang halaga na 84.2 million pesos .

Isang irrigation system naman ang inuulat na totally damage sa San Agustin Isabela na may Estimated Coast of Damage na 49 million pesos.

--Ads--

Hindi naman inaasahan na magkakaroon ng malubhang epekto sa supply ng gulay at iba pang produktong agrikultura sa ngayon ang naitalang pinsala subalit posibleng maramdaman ang pagtaas sa presyo ng gulay sa buwan ng Disyembre sa Cagayan.