CAUAYAN CITY – Humakot ng parangal ang Department of Tourism Region 2 sa katatapos na Pearl Awards ng Association of Tourism Officers of the Philippines na ginanap sa Koronadal City, South Cotabato.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Regional Director Dr. Troy Alexander Miano ng Department of Tourism Reion 2, sinabi niya na sa kabuuan ay aabot sa 14 na awards ang natanggap ng Lambak ng Cagayan.
Apat mula sa 14 na awards ang iginawad sa Lalawigan ng Cagayan, na kinabibilangan Best Practices in Community-Based Tourism (Provincial Category) ang Callao Caves Eco-tourism Zone kung saan nasungkit sila ang itinanghal na grand winner.
Nakasungkit naman ang lalawigan ng Nueva Vizcaya ng 5 awards kabilang ang Most Outstanding Tourism Officer na iginawad kay Marichelle O. Costales, Provincial Tourism and Culture Officer.
Limang parangal din ang iginawad sa lalawigan ng Isabela na kinabibilangan ng Isabela kung saan nasungkit ng Santiago City ang 2nd Runner-up for Best Tourism Month Celebration 2023 at apat na iba pang parangal.
Ayon kay Dr. Miano, mahigit 500 ang entries sa Pearl Awards kaya hindi nila inaasahan na makakatangagap sila ng maraming parangal.
Natutuwa aniya sila dahil kayang makipagsabayan ng Rehiyong Dos sa mga kilalang tourist destinations sa bansa.
Pinagtutuunan naman nila ng pansin at suporta ang mga bagong usbong na tourist destinations sa Rehiyon – manmade man o hindi.
Sinasanay naman ng DOT Region 2 ang mga mamamayan pangunahin na ang mga Micro Small Medium Enterprises o ang mga maliliit na negosyo para mapaghandaan ang pag-usbong ng turismo sa Rehiyon.