--Ads--

CAUAYAN CITY – Selos ang isa sa tinitignang motibo sa pamamaril-patay ng isang sundalo sa kaniyang Misis, Biyenan maging sa kanilang driver sa loob mismo ng 5th Infantry Division, Philippine Army sa Gamu, Isabela.

Matatandaan na pinagbabaril ng suspek na si Sgt. Mark Angelo Ajel ang mga biktima na sina Rolando Amaba, Erlinda Ajel, at Lolita Ramos habang sila ay nasa loob ng kampo sakay ng isang Van.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMaj. Louie Jay Felipe, Chief of Police ng Gamu Police Station, sinabi niya na batay sa kamag-anak ng mga biktima, mayroon umanong pinagseselosan ang suspek dahil na rin sa trabaho ng kaniyang misis na nagdedeliver ng prutas at gulay sa iba’t ibang lugar.

Hindi naman umano nila makuhanan ng pahayag ang suspek dahil sa hindi ito makausap ng maayos.

--Ads--

Inihahanda naman na nila sa ngayon ang kasong Parricide at 2 counts of murder na isasampa laban sa pinaghihinalaan.