CAUAYAN CITY – Dumami ang na-impound na mga sasakyan sa lungsod ng Cauayan dahil sa patuloy na operasyon ng Public Order and Safety Division katuwang ang Land Transportation Office (LTO).
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay POSD Chief Pilarito Mallillin, sinabi niya na umabot sa mahigit isang daan na mga motor at tatlo pang pampasaherong bus ang nahuli at na impound.
Karaniwan umano sa mga violation ay ang walang helmet, lisensya, at ang mga pampasaherong bus naman ay kolorum.
Ngayong buwan aniya ay umabot na sa 33 ang unclaimed na motorsiklo na na impound ng POSD at hindi pa kabilang dito ang mga na impound naman ng LTO.
Ang mga nakumpiskang mga sasakyan na hindi binawi sa loob ng 90 na araw ay planong i turn over sa LTO na subject for bidding.
Dagdag pa ni POSD Chief, walang pinipili sa panghuhuli at nagiging patas lamang sila sa lahat ng uri ng sasakyan.