CAUAYAN CITY – Babasbasan na ngayong araw ang Perpetual Adoration Chapel na muling bubuksan bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-283rd na kapistahan ng patron Nuestra Señora Del Pilar sa Cauayan City.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Fr. Vener Ceperez, kura paroko ng Our Lady of the Pillar Parish Church sinabi niya na pansamantalang isinara ang Adoration Chapel noong panahon ng Covid-19 pandemic at muli itong bubuksan sa publiko.
Unang isasagawa ang Fiesta Mass sa alas nueba ng umaga at pagkatapos nito ay isasagawa naman ang pagbabasbas sa adoration chapel sa alas singko ng hapon.
Ang patronal fiesta ngayong taon ay may temang “Sama samang paglalakbay kasama ang Ina ng Haligi: Pagyakap, Pagkakaisa at Pagmimisyon”.
Kahapon isinagawa ang Drum and Lyre Exhibition ng OLPC Grade School, Playground Demo-High School, Procession, Marian Vigil at Novena.