--Ads--

Patay na ng matagpuan ang isang grade 11 student na hinihinalang nahulog sa irrigation canal habang lulan ng kaniyang motorsiklo sa  sitio Maledda at patungong Sitio Mapaoay, sa Brgy. Ipil, Tabuk City.

Una rito ay napaulat na dalawang estudyante ang hinihinalang nalunod sa Irrigation canal ng NIA kung saan unang nasagip at nadala sa pagamutan si Ashlyn labing siyam na taong gulang habang napaulat na nawawala ang grade 11 student na si Precious Kate.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PCapt. Ruff Manganip tagapagsalita ng Kalinga Police Provincial Office sinabi niya na lumalabas sa kanilang pagsisiyasat na lulan ng motorsiklo ang mga biktima at pupunta sana sa isang resto bar.

Nang makarating sa pinangyarihan ng aksidente partikular sa matarik at pakurbadang bahagi ng daan ay maaring namis-calculate ng lasing na driver ang kalsada kaya dumiretso ang mga ito sa irrigation canal na bahagi ng National Irrigation Administration o NIA main canal.

--Ads--

Unang nasagip si Ashlyn habang inabot pa ng isang araw bago nahanap ang katawan ng isa pang biktma na si Precious Kate.

Naging katuwang nila sa isinagawang search and retrieval operation ang mga kaanak ng mga biktima, PNP Tabuk, PDRRMO, CDRRMO, KPPO, PNP-SAF, Army reserved forces, at ilang barangay officials ng Barangay Bulanao.

Aniya hindi naman ito ang unang insidente na may nahulog sa irrigation Canal dahil sa kawalan ng barikada.

Panawagan niya ngayon na sana ay malagyan na ng barikada ang gilid ng irrigation cannals sa naturang lugar para maiwasan na ang ganitong insidente.

Nilinaw naman niya na may mga hakbang naman silang ginagawa upang mahuli ang mga motoristang nagmamaneho kahit na nasa impluwensiya ng nakalalasing na inumin subalit dahil sa lawak ng kanilang Area of responsibility o AOR ay may mangilan-ngilan pa ring nakakalusot.