--Ads--

CAUAYAN CITY – Itinuturing ng Kalinga Police Provincial Office na isolated case ang nagaganap na tribal conflict sa pagitan ng Basao at Biga Tribe sa Lalawigan ng Kalinga.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PCapt. Ruff Manganip tagapagsalita ng Kalinga Police Provincial Office  sinabi niya na gumagawa na ngayon ng hakbang ang Provincial Bodong Council of Elders at City Council of Elders para mapigilan ang paglala ng naturang sitwasyon na kinasasangkutan ng dalawang tribo.

Aniya bagamat may Tribal conflict ay nanatili pa rin namang manageable ang peace and order sa lugar.

Nagbabala din siya sa mga maling impormasyong naglalabasan sa social media at iba’t ibang group chats kaugnay sa umanoy patayan sa kanilang Lalawigan dahil sa Tribal War.

--Ads--

Maliban pa sa umanoy mga miyembro ng Tribo na nagtutungo sa mga Eskwelahan.

Malaki ang nagiging epekto nito sa kanilang turismo dahil nag dudulot ito ng takot sa mga Local tourist.

Bilang hakbang para maiwasang lumala ang tensyon ay naglatag na sila ng checkpoint katuwang ang mga barangay tanod sa mga lugar ng mga sangkot na tribo para matiyak ang kapayapaan.

Naghahanda naman na ang bodong council of elders na kausapin ang dalawang tribo oras na humupa na ang tensyon.

Unti-unti ay nagbabalik na sa eskwelahan ang mga apektadong estudyante.