--Ads--

Hindi pabor ang Teachers Dignity Coalition sa pagsasabatas ng Republic Act 12027 na nagpapatigil sa paggamit ng mother tongue bilang medium ng pagtuturo sa Kinder hanggang Grade 3 at nagbibigay ng opsyonal na pagpapatupad nito sa mga monolingual na klase.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Teachers Dignity Coalition Chairperson Benjo Basas sinabi niya na makailang ulit silang nagpasa ng position paper sa Kongreso para sana ipagpaliban ang pagsasabatas ng RA 12027 ito ay dahil sa paniniwala nila na bagamat may ilang kakulangan sa implementasyon ay malaking tulong parin sa pagtuturo ng mga guro ang Mother tongue-based education.

Aniya ang Pilipinas ay isa sa mga bansang may diverse na wika dahil sa napakayabong na kultura at sa pamamagitan ng Mother Tongue Based Education ay nagagawa nilang makapagturo sa dialektong nauunawaan ng ilang mga mag-aaral.

Para sa kaniya hindi pa talaga na papanahon sana ang naturang batas subalit nabigo ang DepeD at pamahalaan na maipatupad ito ng maayos.

--Ads--

Naniniwala sila na nature ng bata na matututo sa pamamagitan ng lenguwahe na kanilang naiintindihan.

Umaasa naman siya na magkakaroon ng positibong tugon ang pagkakasabatas ng RA12027 para sa buong sektor ng edukasyon.