--Ads--

Nakatutok na ang Department of Trade and Industry o DTI Isabela upang I-monitor ang bilihan ng mga christmas decorations and Noche Buena Items.

Nagsimula na kasi ngayon ang pagdagsa ng mga mamimili sa merkado upang  mamili ng mga palamuting pampasko.

Pinaghahandaan ngayon ng kagawaran ang isasagawa nilang sunod-sunod na inspection sa mga malalaki at maliliit na establishimento sa lalawigan upang matiyak na walang overpricing at walang uncertified products na makalusot sa mga pamilihan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Elmer Agorto, Chief Trade industry Development Specialist ng Isabela, sinabi niya na uunahin nilang I-monitor ang mga establishimento na dati nang nakitaan ng mga uncertified Products.

--Ads--

Dahil sa nauso na ang solar-powered Chritmas lights ay nabawasan ang kanilang pangamba na sa ilang mga christmas lights na maaaring pagmulan ng sunog.

Paiigtingin naman aniya nila at gagawing regular ang pagsasagawa ng surprise inspection upang walang makaligtas sa iligal na bentahan.