--Ads--

Itinanghal na vice champion ang ASCP o Association Sportive Culturelle Des Philippines – ASCP PARIS sa katatapos na Ile De France Women’s Softball League ng France Federation Baseball/Softball.

Ayon kay Bombo International News Correspondent Dick Villanueva, bigong talunin ng ASCP ang mga selection teams ng Patriots, Nogent at BCF ng Ile De France.

Unang nakalamang ang ASCP sa 4th Inning (8-3) ngunit dahil sa sunud-sunod na home ng kalaban ay nakatabla sa (8-8)

Pinilit naman ng mga Pinay Batters na makalamang sa kalaban ngunit nahirapan silang talunin ang pinagsamang manlalaro ng tatlong selection team ng France na pawang lumalaban na sa Division Tournament.

--Ads--

Ayon kay Julie Estorninos, First at Second Base Pitcher ng ASCP Football Team, well trained na ang mga ito lalo pa at may sarili rin silang softball field.

Magaling aniya ang mga ito sa low at fast pitching.

Ayon naman kay Girlie Empe, Official Catcher ng team, kahit hindi sila nagkampeon ay masaya pa rin sila dahil buo pa rin ang kanilang team at tiniyak nila ang  muling pagbangon sa mga susunod na torneo.

Inihayag naman ng mga coach ng pinagsamang selection team ng Ile De France, magagaling ang mga manlalaro ng ASCP kaya matinding paghahanda rin ang kanilang ginawa para sa kanilang paghaharap lalo na sa kampeonato.

2018 nang itatag ni Cynthia Canete ang ASCP Womens Football Team at naging opisyal na sports association na nairehistro sa Police Prefecture noong 2015 kung saan puro lalake pa ang players at hanggang ngayon ay buo pa rin ang team na mayroon nang women football team.