Unti-unti nang bumabalik sa kanilang mga bahay ang mga evacuees na naapektuhan sa pananalasa ng Hurricane Milton sa Florida USA.
Inihayag ni Bombo International News Correspondent Marissa Pascual, sinabi niya na mabibigyan na naglabas na ng pondo ang White House para mapagkalooban ng temporary housing, Housing repairs at loans ang mga apektadong pamilya at indibidwal.
Bagama’t naibibigay naman ang pangangailangan ng mga apektado ay malaking hamon umano sa kanila kung paaano sila babalik sa normal nilang pamumuhay.
Sa ngayon ay marami pa ring mga daanan ang nananatiling unpassable habang 1.3 million consumer ang wala pa ring tustos ng kuryente hanggang sa ngayon.
Malaking problema naman ngayon ang kakulangan ng suplay ng Gasolina sa Florida kung saan umaabot na sa dalawang milya ang pila sa mga pumping stations.
Dahil dito, ipinag-utos ni Florida Governor Ron De Santis sa mga Gas Distribution Center na mamahagi ng ng 10 gallons kada araw sa bawat apektadong indibidwal.
Naabisuhan din ang mga residente na magtipid ng tubig dahil naapektuhan din ng malubha ang mga water treatmen plants sa nabanggit na estado.