--Ads--

CAUAYAN CITY – Inaabangan na ng mga magsasaka partikular ang nga taga forest region sa Cauayan City ang ibibigay na libreng binhi ng Department of Agriculture (DA).

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Rica Acoba, Rice and Corn farmer mula sa Barangay Manaoag, Cauayan City, sinabi niya na malaking tulong ang pera at binhing kanilang natanggap noong nakaraang crop season kaya umaasa nanaman sila sa tulong na kanilang matatanggap ngayon.

Bilang magsasaka aniya ay umaasa sila sa maliit na gastos sa pagpapatanim ng palay dahil mas marami silang nakukuhang benepisyo sa pagtatanim ng palay kung ikukumpara sa mais.

Kaugnay nito, umaasa naman aniya silang mga magsasaka na makahabol ang binhinhg ipamimigay sa kanila ng DA para sa kanilang pagtatanim, dahil ilan sa mga magsasaka sa kanilang barangay ay naihanda na ang kanilang taniman ngunit wala pang binhi.

--Ads--

Tinatayang 50% na umano mula sa kanilang barangay ang naghahanda ng  kanilang sakahan.

Sa ngayon, inaabangan naman aniya nila ang abiso ng DA kung kailan posibleng ipamahagi ang mga binhi para ma schedule na nila ang kanilang pagpapatanim.

Dagdag pa ni Acoba, hiling nila na unahin ng DA na bigyan ng binhi ang mga barangay na handa na sa pagpupunla.