--Ads--

Kinumpirma ng Cauayan City Civil Registrar na nadagdagan ang requirements ng mga late registrants sa kanilang birth certificate.

Bunsod ito sa naging isyu ni Dismissed Mayor Alice Guo ng Bamban Tarlac na hinihinalang isang chinese national.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Civil Registrar Officer Nerissa Serrano, sinabi niya na nadagdagan ang requirements sa pagpaparehistro ng mga late registrants batay sa ibinabang memorandum ng Civil Registry Office.

Kabilang sa naidagdag na requirement ang Barangay Cerificate at National ID. Kapag ang late registrants ay 18 pataas na ang edad ay kailangang sila ay magtungo mismo sa tanggapan para magparehistro at idadaan pa ang pagbusisi sa Philippine Statistics Authority o PSA.

--Ads--

Aniya hindi layon nito na pahirapan ang mga nagpaparehistro kundi bilang pag-iingat lamang upang hindi na maulit pa ang nangyari klasy Guo na hinihinalang hindi Pilipino ngunit mayroong birth certificate.