CAUAYAN CITY – Posibleng mabuo bilang isang bagyo ang binabatantayang Low Pressure Area sa labas ng Philippine Area of Responsibility sa susunod na 24 oras.
Kapag nabuo ito bilang isang bagyo ay tatawagin itong bagyong “Kristine”.
Batay sa forecast ng State Weather Bureau, posible itong lumapit sa Silangan at hilagang bahagi ng Luzon at maaaring mag-landfall sa Northern at Central Luzon.
Maaari pa namang magbago ang track nito habang hindi pa ito nabubuo bilang isang ganap na bagyo.
Sa ngayon ay wala namang direktang epekto ang naturang LPA sa alinmang bahagi ng bansa ngunit ang trough nito ay nakakaapekto na sa silangan ng Northern at Central Luzon na magdadala ng mataas na tiyansa ng pag-ulan.
Bukas o sa araw ng Lunes at Martes ay posibleng magpa-ulan sa silangan ng Southern Luzon at sa malaking bahagi ng Visayas ang trough ng naturang LPA.