Ibinida sa international stage pangunahin sa Paris France ang ilang pagkaing pinoy.
Ayon kay Bombo International News Correspondent Dick Villanueva, sinabi niya na kabilang ang mga pagkaing pinoy sa isinagawang pinakamalaking food exhibition na Salon International de l’Alimentation o SIAL 2024 na isinasagawa kada dalawang taon.
Walong kompanya ang sumali rito kabilang ang mga MSMEs na rehistrado sa Department of Trade and Industry o DTI katulad ng mga MSMEs sa Nueva Vizcaya na One Vizcaya Export Corporation at One Asia Trader sa kanilang produktong banana chips, coco jams at calamansi extract.
Kabilang din sa mga nakasali ang Quirino Young Entrepreneurs Association mula sa lalawigan ng Quirino para sa kanilang ube powder.
Ilan sa mga nafeature sa nasabing food exhibition ang mushroom chips, banana chips, taro chips, kamote chips na niluto gamit ang coconut oil.
Nafeature din ang coconut wrap na pinambabalot sa shanghai maging ang coconut butter.
Kabilang din sa ibinida ng mga pinoy ang Bicol Pilinut.