--Ads--

Napanatili ng bagyong Kristine ang lakas nito habang kasalukuyang nasa karagatang sakop ng bansa pangunahin sa silangan ng Bicol Region.

Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 345 km East Northeast of Daet, Camarines Norte. Taglay  nito ang lakas ng hanging aabot sa 75km/h malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 90km/h. Kumikilos ang bagyo pa Kanluran Hilagang Kanluran sa bilis na 10km/h.

Nakasailalim sa Tropical Cyclone Wind Signal No. 2 ang southern portion ng mainland Cagayan (Peñablanca, Enrile, Tuguegarao City), Isabela, northeastern portion ng Quirino (Maddela), northeastern portion ng Aurora (Dinalungan, Casiguran, Dilasag), Catanduanes, the eastern portion of Camarines Norte (Basud, Daet, Talisay, Vinzons, Paracale, Mercedes), eastern portion ng Camarines Sur (Caramoan, Presentacion, Garchitorena, Tinambac, Siruma, Lagonoy, Goa, San Jose, Saglay, Tigaon), eastern portion ng Albay (Rapu-Rapu, Bacacay, City of Tabaco, Malilipot, Malinao, Tiwi) at eastern portion ng Sorsogon (Barcelona, Gubat, Prieto Diaz)

Signal No. 2 din ang northeastern portion ng Northern Samar (Palapag, Mapanas, Gamay, Laoang, Catubig, Lapinig, Pambujan, San Roque) at northern portion ng Eastern Samar (Jipapad, San Policarpo, Arteche).

--Ads--

Signal No. 1 naman sa Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Apayao, Kalinga, Abra, Mountain Province, Ifugao, Benguet, Batanes, natitirang bahagi ng Cagayan, Babuyan Islands, natitirang bahagi ng Quirino, Nueva Vizcaya, natitirang bahagi ng Aurora, Nueva Ecija, Tarlac, Zambales, Bataan, Pampanga, Bulacan, Metro Manila, Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon kabilang ang Pollilo Islands, Occidental Mindoro maging ang Lubang Islands, Oriental Mindoro, Masbate, Ticao at Burias Islands, Marinduque, Romblon, natitirang bahagi ng Camarines Norte, natitirang bahagi ng Camarines Sur, natitirang bahagi ng Albay, natitirang bahagi ng Sorsogon, and Calamian Islands.

Signal No. 1 din ang Aklan, Capiz, northern portion ng Antique (Libertad, Pandan, Sebaste, Culasi) kabilang ang Caluya Islands, northern portion ng Iloilo (Sara, Batad, San Dionisio, Carles, Estancia, Balasan), natitirang bahagi ng Eastern Samar, natitirang bahagi ng Northern Samar, Samar, Leyte, Biliran, at Southern Leyte, Dinagat Islands at Surigao del Norte kabilang ang Siargao – Bucas Grande Group.

Batay sa forecast track ng DOST-PAGASA magpapatuloy ang northwestward na paggalaw ng bagyong Kristine hanggang sa maglandfall ito sa bahagi ng Isabela o Northern Aurora bukas ng gabi o umaga ng Huwebes. Posibleng daanan nito ang bulubunduking bahagi ng Northern Luzon at lalabas sa kanluran ng Ilocos Region sa Huwebes ng hapon o gabi. Ayon sa state weather bureau walang nakikitang pagbabago sa galaw nito dahil walang ibang weather system na nakakaapekto sa sirkulasyon ng bagyo.

Inaasahan din ang paglakas pa ng bagyo hanggang severe tropical storm bago ang landfall nito at bahagyang hihina sa pagdaan sa Northern Luzon. Muli itong lalakas paglabas nito ng kalupaan at sa West Philippine Sea.