--Ads--

Nanatiling bukas ang dalawang spillway gate ng Magat Dam bilang bahagi ng pre-releasing ng NIA-MARIIS para sa mga pag-ulang dala ng Bagyong Kristine.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Department Manager Engr. Gileu Michael Dimoloy sinabi niya na ang water level ng dam ay nanatili naman sa 182.41masl.

Aniya bagamat malayo pa ito sa spilling level o critical level ay bahagyang tumataas naman ang water inflow dahil sa malalakas na pag-ulan sa Magat Water Shed na umaabot sa 656.80 cms.

Ligtas pa naman ang antas ng tubig sa Dam dahil nagkaroon sila ng maagang water releasing.

--Ads--

Sa ngayon bukas ang dalawang spillway gate na may tig-3 meters opening bilang bahagi ng kanilang flood control at para mas mapababa pa ang lebel ng tubig sa dam.

Ang pre-release ay naging paghahanda ng NIA-MARIIS sa mas malaking volume ng tubig ngayong araw.