--Ads--

CAUAYAN CITY – Isinara na ng National Irrigation Administration – Magat River Integrated Irrigation System (NIA-MARIIS) ang isang spillway gate ng Magat Dam.

Sa ngayon ay isang spillway gate na lamang ang bukas na may dalawang metrong opening.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Engr. Gileu Michael Dimoloy, Department Manager ng NIA-MARIIS, sinabi niya na sa ngayon ay mababa na ang water elevation ng dam na nasa 182 meters above sea level na lamang.

Mayroon itong outflow na 500+ cubic meters per second at inflow na halos 600 cubic meters per second.

--Ads--

Bagama’t mas mataas ang inflow kaysa sa outflow ay lumabas sa kanilang assessment na kayang I-accommodate ng dam ang volume ng tubig na pumapasok Magat reservoir.

Sa ngayon ay nagsasagawa naman sila ng field monitoring upang matukoy at ma-consolidate ang pinsalang idinulot ng bagyo pangunahin na sa mga pananim.