Limang road networks ngayon ang apektado sa bahagi ng Region 2, Dalawa rito ang mula sa Quirino at tatlo sa Cagayan.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay DPWH region 2 information Officer Maricel Asejo sinabi niya na activated na ngayon ang lahat ng disaster incident management team.
Sa ngayon ay hindi pa madaanan ang kalsada sa Solana, Piat over flow bridge, Nagtipunan-Nueva Vizcaya road, Junction Victoria Alicia boundery road, San Manuel Aglipay at Disimungal Maddela Quirino.
Sa kasalukuyan ay nagsasagawa na sila ng clearing operations sa mga binabahang kalsada dahil sa pagtaas ng tubig o pag baha.
May ilang naitala rin silang pinsala sa imprastraktura sa Lalawigan ng Quirino at wala pang inisyal na halaga ng pinsala.
May ilang road section din sa Batanes ang pansamantalang hindi nadaanan dahil sa insidente ng rockfall sa Basco-Mahatao-Ivann-Uyugan road kaya agad silang nag deploy ng mga personnel at equipment para agad na maalis ang mga nakaharang na debri.
Maliban sa mga binahang kalsada ay nagsagawa na rin sila ng clearing sa mga sanga ng puno at drainage canal para maalis at mabilis na bumaba ang antas ng tubig baha sa gilid ng mga kalsada.
Kaugnay nito, hindi pa rin bukas para sa mga motorista ang Tinglayan-Tabuk road, Pinukpuk Kalinga road, Lubwagan-Abra boundary at boundary ng Tinglayan at Tabuk dahil sa landslides.
On going parin naman ang road clearing operations para mas mapaluwag ang daloy ng trapiko sa naturang mga kalsada.
May ilang reported na ring flooded areas sa Rizal Kalinga subalit hindi naman ito masyadong malalim at hindi na kinailangan na ilikas ang mga residente.