CAUAYAN CITY- Sumampa na 72.83% ng mga Lugar na nasasakupan ng Isabela Electric Cooperative o ISELCO 2 ang naibalik na ang tustos ng kuryente.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Director sherwin Balloga sinabi niya na nagpapatuloy ang monitoring nila sa lagay ng mga linya ng kuryenteng nasaskaupan ng Isabela electric cooperative 2.
Sa katunayan aniya wala pa man ang bagyong Kristine ay naghahanda na ang kanilang mga linemen sa mga inaasahang pangyayari kaya naman may ilang paghahanda silang ginawa para maagapan ang malawakan at matagalang power outage.
Sa nagayon ay isolated ang ilang barangay na binaha para na rin sa kaligtasan ng mga member consumers.
Wala rin silang naitalang mga poste ng kuryente na napinsala o natumba dahil sa malakas ng hangin at pagbaha sa maraming mga Barangay na kanilang nasasakupan.
Nagpaliwanag naman siya kung bakit nagkaroon ng power interruption bago paman mag landfall ang bagyong Kristine, aniya ang dahilan nito ay dahil sa mga puno at sanga na sumabit sa mga secondary line dahil sa malakas na hangin.
Sa kabila ng mga negatibong komento na kanilang natanggap ay tinitiyak parin ng ISELCO 2 na gagampanan nila ang kanilang tungkulin para magbigay serbisyo sa mga member consumers.