--Ads--

CAUAYAN CITY – Sinimulan na ng Local Government ng City of Ilagan ang pamamahagi ng relief assistance sa mga naapektuhang barangay sa lungsod matapos ang pananalasa ng bagyong Kristine.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay City Public Information officer Paul Bacungan sinabi niyan ilan sa mga napuntahan nilang isolated Barangays ay ang Cabisera 22, Cabisera 23, Aggasian, Fugu, Marana 2nd, Alinguigan 3rd at Camunatan.

Nagpaabot na rin ng relief packs ang Office of the Vice President sa Barangay Sipay.

Kapansin pansin ngayon ang napakabagal na paghupa ng tubig baha sa Lunsod lalo at inaasahang pababa pa lamang ang tubig baha mula sa upstream areas gaya ng Divilacan at Benito Soliven.

--Ads--

Aniya, bagamat humuhupa na ay tuloy tuloy ang kanilang monitoring lalo na sa mga Barangay na nakapagtala ng lampas taong baha.

May mga evacuees pa rin namang nananatili sa evacuation areas dahil may ilan na hindi pa rin nakakauwi dahil sa hindi pa natatapos ang ginagawa nilang paglilinis sa kanilang mga bahay na nalubog sa baha.

Batay sa datos maraming mga residente pa rin ang nanatili sa evacuation center sa poblacion area partikular sa Community Center at sa Sports Complex.

Samantala bukas na sa anumang uri ng sasakyan ang Cabisera 8 overflow bridge habang sinisimulan na ang clearing operation sa Baculud overflow bridge at sa iba pang bahagi ng kalsada.