CAUAYAN CITY- Matapos ang pananalasa ng Bagyong Kristine ay paghahandaan na ngayon ng Philippine National Police ang paparating na Undas sa buwan ng Nobyembre.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan Kay Provincial Director PCol. Lee Allen Bauding sinabi niya activated na ang kanilang Oplan Kaluluwa kung saan magtatalaga sila ng mga assiatsance desk sa lahat ng mga sementeryo sa Lalawigan ng Isabela.
Aniya, mula pa buwan ng Oktubre ay naghahanda na sila para sa deployment ng nasa 600 PNP personnel ng IPPO maliban pa sa mga inspection personnel mula sa National Support Units.
Puntirya ng PNP ngayong taon ang zero incident sa paggunita ng undas.
Maliban dito ay paghahandaan din nila ang posibleng pag dagsa ng mg biyaherong uuwi sa probinsya kaya mahigpit silang magbabantay sa mga bus terminal.
Sa katunayan aniya sa ilalim ng bagong pamunuan ng Police Regional Office 2 o PRO 2 ay ipinatupad na nila ang 10-90 deployment kung saan 10% ng mga PNP personnel ang naiiwan sa opisina habang 90% ang deployed sa field para magsagawa ng anti-criminality campaign.
Paalala ng PNP na gaya ng taon taon nilang inaanunsyo ipinagbabawal parin sa mga sementeryo ang anumang nakalalasing na inumin, deadly weapon, at malakas na tugtog .