--Ads--

CAUAYAN CITY- Inilunsad ngayong araw sa Lungsod ng Cauayan ang kauna- unahang Cagayan Valley Agri-Ugnayan ng Department of Agriculture Region 2.

Ito ay ginanap sa Isabela Convention na magtatagal ng apat na araw.

Sa unang araw ng naturang programa ay isinagaw ang 1st Coffee Expo 2024; bukas naman ang National Urban and Pero-UrbanAgriculture Program Summit; sunod ang Food safety/ Good agricultural Practices/ Good Animal Husbandry, Gawad Livestock and Poultry Awarding at DA AFID Information Caravan; at pang huli ang Farm and Fisheries Clustering and Consolidation

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Dr. Rose Mary Aquino, ang Regional Director ng Department of Agriculture, sinabi niya na ito ang unang pagkakataon na magtitipon tipon ang mga agri at fishery sector ng Cagayan Valley upang ibida ang kanilang mga produkto.

--Ads--

Inimbitahan umano ang mga magsasaka upang mahikayat na maging bahagi ng mga programa ng DA.

Layunin umano ng agri-usapan at agri-ugnayan na ipaalam sa mga magsasaka na posible pa ring magtanim ng mga gulay kahit pa man walang malaking espasyo ng taniman.

Mayroon ding mga eksperto na inimbitahan ang DA para pag-usapan ang food safety.

Sa huling araw ng programa ay magkakaroon naman ng Masagana Rice Industry Development Program (MRIDP) Summit upang mapag-usapan kung paano mapababa ang presyo ng bigashanggang 29 pesos kada kilo.