--Ads--

CAUAYANN CITY- Binuksan pansamantala ang ilang mga pangunahing kalsada sa Lalawigan ng Nueva Vizcaya na sumailalim sa rehabilitation  bilang tugon sa pagdagsa ng mga biyahero sa lalawigan ngayong Undas.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMaj. Novalyn Aggasid, Public Information Officer ng Nueva Vizcaya Police Provincial Office, sinabi niya na tuwing Long Weekend ay marami ang bumabaybay na mga biyahero sa kakalsadahan ng Nueva Vizcaya.

Kaya naman upang maiwasan ang mabigat na daloy ng trapiko ay binuksan nila ang ilang mga daanan na pansamantalang isinara dahil sa road construction panghunahin na sa bayan ng Diadi.

Samantala, naka-heightened alert status naman na ang buong kapulisan ng NVVPO ngayong nagsimula na ang paggunita sa Undas.

--Ads--

Naka-deploy naman na ang kanilang mga kapulisan sa lahat ng mga strategic areas sa lalawigan pangunahin na sa mga sementeryo, Terminal, Police Assistance desk at atbp.

Nanawagan naman siya sa lahat na I-kondisyon ng maigi ang mga sarili ang sasakyan bago bimiyahe upang maiwasan ang aksidente sa daan.