Patuloy ang mainit na sitwasyon sa pagitan nina Donald Trump at Kamala Harris na parehong tumatakbo sa pagka-presidente ng Estados Unidos habang papalapit ang halalan sa araw ng Martes.
Ayon kay Bombo International News Correspondent Jon Melegrito, pangunahing pokus ngayon ng dalawang panig ang pangangampanya sa mga battleground states kung saan batay sa mga exit polls nangunguna si Trump sa anim na estado habang isang wing state naman ang pinangungunahan ni Harris.
Pitong estado ang itinuturing na battleground states sa US Election map na kinabibilangan ng North Carolina, Georgia, Arizona, Nevada, Wisconsin, Michigan at Pennsylvania.
Leading si Trump sa North Carolina, Georgia, Arizona, Nevada, Michigan, Pennsylvania habang leading naman sa Wisconsin si Harris.
Batay sa pinakahuling poll gitgitan ang dalawang partido kaya todo na sa pangangampanya at maraming pera ang kanilang ibinubuhos dito.
Pinakamainit namang isyu sa halalan sa Estados Unidos ang Abortion, Inflation at Immigration na nais ng mga amerikano na may pagbabago sa susunod na administrasyon.
Aniya kung popular votes lamang ang pagbabatayan ay maaring manalo si Harris ngunit matatalo naman siya sa electoral college kung saan nangunguna si Trump.