--Ads--

CAUAYAN CITY – Nakatakdang ipatawag ng pamahalaang panlungsod ng Cauayan ang City Environment and Natural Resources Office o CENRO at mga barangay officials sa committee hearing.

Ito ay upang mapag-usapan ang hindi nasosolusyonang problema sa basura sa kalunsuran.

Kinwestyon sa naganap na regular session ng mga mambabatas ang makalat na paligid ng Cauayan City ppangunahin na sa Poblacion Area.

Sa pahayag ni Sangguniang Panlungsod Member Balong Uy, may bagyo man o wala ay kapansin-pansin ang mga nagkalat na basura na nagpapapangit sa imahe ng lungsod.

--Ads--

Aniya tila walang pagbabago kahit ginagawan ng aksyon ang kalinisan sa lungsod kaya kailangan na nilang malaman kung ilan ang street sweeper ng LGU at mga barangay upang malaman kung ito ang dahilan sa maduming paligid.

Kailangan din aniyang imbitahan ang Human Resources o HR dahil kabilang sila sa mga tumanggap ng empleyado mula sa CENRO.

Umaasa naman silang dadalo ang mga ipinapatawag na ahensya upang masolusyonan na ang problema sa basura sa lungsod.