--Ads--

CAUAYAN CITY- Higit 4,000 katao na ang inilikas mula sa buong Lambak ng Cagayan dahil sa epekto ng Bagyong Marce.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMaj. Sharon Mallillin ang tagapagsalita ng Police Regional Office 2 o PRO2 sinabi niya na may humigit kumulang dalawang libong Organized Stand by units na silang maitatalaga kung kakailanganin ng augmentation sa bawat Municipal Police station lalo na sa ginagawang evacuation sa mga mababang lugar.

Sa katunayan ay umabot na sa 4,365 na evacuees ang nanatili na sa mga evacuation centers sa buong Region 2.

Nagtalaga na rin ang PRO 2 ng mga personnel na magsisiguro ng seguridad ng mga evacuess gayundadin na sila ay tumutulong na sa ginagawang relief opereration.

--Ads--

Ang kagandahan aniya ngayon ay wala ng naganap na sapilitang paglikas dahil naka alerto na ang mga residente mula pa ng manalasa ang Bagyong Kristine at Super Typhoon Leon.

Sa ngayon sinisiguro na ng bawat LGU na maibibigay ang pangangailangan ng mga inilikas na pamilya.