Pormal na kinasuhan ng estafa ang aktor na si Ken Chan ng Quezon City Prosecutor’s Office dahil sa isang diumano’y maanomalyang investment deal na nagkakahalaga ng PHP14M.
Ngayong Biyernes ng umaga, November 8, 2024, nagtungo ang pulisya sa bahay ni Ken para i-serve ang warrant of arrest laban sa aktor.
Bigo ang pulisya na makita si Ken dahil walang tao sa bahay nito
Kinumpirama ng mga legal counsels ng complainant na sina Atty. Joseph Noel Estrada at Atty. Maverick Romero na sangkot sa kaso ang aktor at pito pa nitong co-investors.
Ayaw namang isapubliko ng mga complainante ang pagkakakilanlan nito pero inilarawan ng mga abugado na ito ay isang male businessman na nasa “40s-50s.”
Paliwanag ni Atty. Estrada, taong 2022 nang makausap ng complainant si Ken na nangako ng isang profitable investment sa restaurant at kung anupamang negosyo.
PHP14M ang halaga ng investment na ibinigay ng complainant sa grupo ni Ken.
Kalaunan, hindi raw tumupad ang grupo ni Ken sa kung anumang profit-sharing deal ang kanilang napagkasundaan.
Kinumpirma ni Atty. Estrada na direktang nakausap ng complainant si Ken para sa kanilang transaksiyon at kay Ken din daw umano napunta ang pera.
Taong 2023 nang pormal na magreklamo ang complainant laban sa grupo ni Ken, at kamakailan ay umakyat ito sa husgado.
Ayon kay Atty. Romero, September 2024 nang unang sinubukan ng pulisya na i-serve ang warrant of arrest laban kay Ken.
Pangalawang attempt na ang pag-serve ng warrant kay Ken ngayong araw, at sa parehong pagkakataon ay hindi pa nakita ng pulisya ang aktor.
Hindi pa rin daw nahahanap ang pito pang kapwa-akusado ni Ken sa kasong syndicated estafa.