CAUAYAN CITY – Bahagyang Lumakas ang Tropical Storm Ofel habang kumikilos pahilagang kanluran sa karagatan ng bansa.
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa PAGASA, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 950 km silangan ng Southeastern Luzon.
Taglay pa rin nito ang lakas ng hanging aabot sa 85 km/h malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 105 km/h. Kimikilos ito pahilagang kanluran sa bilis na 35 km/h.
Ngayong gabi o bukas ng umaga ay maaaring maitaas na sa Signal Number 1 ang ilang lugar sa Lambak ng Cagayan.
Dahil sa tinatayang lalakas ang Bagyo sa Typhoon Category bukas ng gabi o Huwebes ng umaga bago ito maglandfall kung kayat posibleng Signal Number 4 ang pinaka mataas na ibabala ng PAGASA.
Batay sa pagtaya, patuloy na kikilos ang Tropical Storm Ofel pahilangang kanluran at posibleng maglandfall sa Northern o Central Luzon area sa Huwesbes ng hapon o gabi.
Gayunman, posible pang magbago ang direksyon ng bagyo kung kayat pinapayuhan ang publiko na maging updated sa lagay ng panahon para sa nararapat na paghahanda.