CAUAYAN CITY- Paghahandaan na ngayon ang posibilidad ng pag-baha dahil sa saturated na ang lupa dulot ng sunod sunod na paghagupit ng Bagyo sa Northern Luzon.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay OCD Region 2 Information Officer Mia Carbonel sinabi niya na muli ay nagsagawa sila ng Pre-Disaster Risk Assestment para sa Bagyong Ofel.
Aniya sa nagayon nanatili silang naka red Alert para sa inaasahang pannalasa ng Bagyong Ofel sa Cagayan.
Mula October 21 hanggang sa kasalukuyan ay hindi sila nag baba ng alerto dahil sa inaasahang sunod sunod na pananalasa ng Bagyo.
Inaasahan nila ngayon ang malakas na hangin at ulan na dadalin ng Bagyong Ofel na inaasahang unang mananalasa sa Bicol Region bago tumbukin ang Northern Luzon sa araw ng Huwebes.
Batay sa forecast ng State Weather Bureau paghahandaan ang pag-ulan na dadalin ni Ofel sa Cagayan.
Sa nagayon saturated na ang kalupaan kaya naman pinaghahandaan ang posibleng pag baha at mabilis na pagtaas ng antas ng tubig sa ilog Cagayan.
Nariyan parin ang banta ng pagguho ng lupa kaya naman iminungkahi na na huwag na munang pauwiin s akanilang mga bahay ang mga nailikas ng pamilya dahil sa Bagyong Nika upang hindi na mahirapan sa muling paglikas oras na maramdaman na ang epekto ng Bagyong Ofel.
Sa ngayon abala na ang bawat ng LGU sa pag replenish ng kanilang Family Food Packs bilang paghahanda sa panibagong sama ng panahon.