--Ads--
CAUAYAN CITY – Pumalo na sa 9,749,400 pesos ang kabuuang inisyal na halaga ng pinsala sa Agrikultura na naitala sa Lungsod ng Ilagan.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay City of Ilagan Public Information Officer Paul Bacungan, sinabi niya na 6,500,000 pesos mula rito naitalang pinsala sa maisan na kinabibilangan ng 246 na hektarya.
90 hektarya naman ng palayan ang napinsala na may kabuuang halaga na aabot sa halos 2 milyong piso.
May nailatala ring pinsala sa mga tanim na saging, soybeans at iba pang mga high value crops.
--Ads--
Samantala, nagpapatuloy naman ang isinasagawa nilang repacking ng mga family food packs upang masimulan na ang pamamahagi nila ng mga relief goods sa mga naapektuhang Ilagueño.