CAUAYAN CITY – Pumalo sa P50.9 million ang iniwang pinsala sa imprastraktura ng Bagyong Nika sa Lambak ng Cagayan.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Maricel Asejo tagapagsalita ng DPWH Region 2, sinabi niya na isa sa mga Lalawigan na may pinakamaraming pinsala sa imprastraktura ang Lalawigan ng Nueva Vizcaya na may P25.5 million, Quirino na P15.8 million, Isabela 2nd District Office na may P916,000 na sinundan ng Isabela 2nd District Office na may P8.6 million.
Aniya ilan sa mga nasira ay ang approach ng tulay dahil sa pagtaas ng antas ng tubig sa mga ilog.
Inaasahan namang madadagdagan pa ang naturang pinsala dahil ang datos ay naitala pa lamang sa pananalasa ng Bagyong Nika.
Kung matatandaan, isa sa mga major bridge na napinsala dahil sa Bagyong Ofel ang San Jose bridge na pagitan ng Gonzaga at Sta. Ana Cagayan.
Plano ngayon ng DPWH na maglagay ng pansamantalang daan at malagyan ng backfill ang tulay para maibalik ang connectivity ng naturang tulay.
Samantala, maraming pa ring mga impassable roads ang naitala sa Cagayan dahil sa Bagyong Ofel maging sa bahagi ng Quirino partikular sa Disumungal, Nagtipunan Quirino.
Tuluy-tuloy naman ang ginagawang clearing operation ng DPWH sa mga pangunahing kalsada maging sa bahagi ng Isabela.