CAUAYAN CITY – Napanatili ng Super Typhoon Pepito ang lakas nito habang papalapit sa Hilagang Bahagi ng Quezon at Aurora.
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, huling namataan ang sentro sa layong 120 km silangan timog silangan ng Baler, Aurora.
Taglay pa rin nito ang lakas ng hanging aabot sa 185 km/h malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 230 km/h. Kumikilos ang bagyo pahilagang kanluran sa bilis na 20 km/h.
Nakataas na Tropical Cyclone Wind Signal Number 5 ang eastern portion of Polillo Islands. Signal Number 4 naman ang nakataas sa Aurora, Quirino, Nueva Vizcaya, southern portion of Ifugao partikular sa mga bayan ng Kiangan, Lamut, Tinoc, Asipulo, at Lagawe, southern portion ng Benguet, southern portion ng La Union, eastern portion ng Pangasinan, eastern portion ng Nueva Ecija, northern portion ng Quezon, at nalalabing bahagi ng Polillo Islands, at Calaguas Islands.
Signal Number 3 naman sa southern portion ng Isabela partikular sa bayan ng San Agustin, Jones, Echague, San Guillermo, Angadanan, Alicia, San Mateo, Ramon, San Isidro, City of Santiago, Cordon, Dinapigue, Roxas, San Manuel, Aurora, Cabatuan, City of Cauayan, at bayan ng Luna, nalalabing bahagi ng Ifugao, Mountain Province, southern portion ng Abra, Ilocos Sur, nalalabing bahagi ng Benguet, nalalabing bahagi ng La Union, nalalabing bahagi ng Pangasinan, northern portion ng Zambales, Tarlac, nalalabing bahagi ng Nueva Ecija, northern portion ng Pampanga, northern portion ng Bulacan, northern portion ng Rizal, eastern portion ng Laguna, central and eastern portion ng Quezon, at western portion ng Camarines Norte.
Nakataas naman sa Signal Number 2 sa nalalabing bahagi ng Isabela, southwestern portion ng mainland Cagayan partikular sa bayan ng Enrile, Tuao, Solana, Tuguegarao City, Piat, at Rizal, Kalinga, southern portion ng Apayao partikular sa Conner, at Kabugao, nalalabing bahagi ng Abra, Ilocos Norte, nalalabing bahagi ng Zambales, Bataan, nalalabing bahagi ng Pampanga, nalalabing bahagi ng Bulacan, Metro Manila, nalalabing bahagi ng Rizal, Cavite, nalalabing bahagi ng Laguna, nalalabing bahagi ng Quezon, nalalabing bahagi ng Camarines Norte, Camarines Sur, at western portion ng Catanduanes.
Signal Number 1 naman sa nalalabing bahagi ng Cagayan, nalalabing bahagi ng Apayao, Batangas, northern portion of Occidental Mindoro kabilang ang Lubang Islands, northern portion ng Oriental Mindoro, northern portion ng Romblon, Marinduque, northern portion ng Masbate kabilang ang Burias at Ticao Islands, Albay, Sorsogon, at nalalabing bahagi ng Catanduanes.
Ayon sa PAGASA, inaasahang maglalandfall ang Super Typhoon Pepito sa lalawigan ng Aurora ngayong hapon at tatahakin ang Central Luzon at ilang bahagi ng Northern Luzon hanggang mamayang gabi.
Pinag-iingat naman ang mga nasa lugar na nasa flood prone area, landslide prone area at may mga tahanang gawa sa light materials lalo sa mga malalakas na ulan at hanging dala ng bagyong Pepito.