--Ads--
Higit isandaang pamilya mula sa apat na Bayan ang inilikas sa lalawigan ng Quirino dahil sa pananalasa ng Super Typhoon Pepito.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PDRRM Officer Christopher John Gallo sinabi niya na kahapon nang maramdaman sa lalawigan ang malakas na hanghin ay nawalan na sila ng tustos ng kuryente.
Umabot sa 166 na pamilya ang inilikas mula sa Maddela, Aglipay, Cabarroguis at Nagtipunan at nanatili ngayon sa evacuation centers.
Binabantayan nila ngayon ang mga Barangay sa Cabarroguis na posibleng ma-isolate dahil sa pagbaha.
--Ads--
Naging sapat naman ang stand by food packs ng LGU Quirino para sa mga pamilyang naapektuhan ng bagyo.