--Ads--

CAUAYAN CITY- Magsasagawa ng Humanitarian Efforts at mangangalap ng tulog ang pamunuan ng Out Lady of the Pillar parish para sa mga apektadong resident dulot ng pagbaha na dinala ng Super Typhoon Pepito.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Fr. Vener Ceperez ang kura Paroko ng Our Lady of the Pillar Parish Church sinabi niya na magsasagawa sila ng pangangalap ng tulong para sa mga nasalanta ng Bagyo at Sakuna sa Lunsod ng Cauayan.

Aniya batay sa ilang impormasyon na ibinahagi ni Vice Mayor Bong Dalin nakatakda silang magparating ng tulong sa maraming mga Barangay sa Cauayan City dahil sa biglaang pagbaha.

Sa ganitong pagkakataon ay nauunawaan ng simbahan ang labis na pangangailangan ng tulong ng mga apektadong residente tulad ng pagkain.

--Ads--

Nakatakdang makipag tulungan ang simbahan sa LGU para sa pagpapaabot ng tulong sa mga apektadong lugar sa pamamagitan ng mga makakalap nilang donasyon.

Muli nilinaw niya na ang tulong ay para sa lahat ng mga nasalanta at walang dapat piliin dahil ang pagtulong ay sumasalamin sa bawat isa bilang mga nilikha.

Para sa mga nag nanais na magpaabot ng tulong at donasyon para sa mga apektadong residente ay maaaring makipag ugnayan sa opisina ng Our Lady of the Pillar Parish maaari ring makipag ugnayan sa Facebook page at numero o telephone number ng OLPCC.