--Ads--

CAUAYAN CITY – Naibalik na ang tustos ng kuryente sa 52% na mga lugar na nasasakupan ng Isabela Electric Cooperative o ISELCO 1.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay ISELCO 1 General Manager Glen Mark Aquino, sinabi niya na bahagyang natagalan ang kanilang mga linemen na ibalik ang tustos ng kuryente dahil sa pagbaha na nararanasan sa ilang mga lugar.

Hirap aniyang pailawan ng kanilang mga linemen ang ilang mga barangay sa Angadanan, Cauayan City, Echague, Jones at San Guillermo dahil sa mga baha.

Maliban rito ay muli ring natumba ng Bagyong Pepito ang ilang naitayo nang poste ng kuryente kung kayat binabalikan din ito ng ISELCO 1.

--Ads--

Pinaka-apektado aniya ang mga secondary lateral line o ang mga linya ng kuryente na papasok sa mga Barangay.

Prayoridad anya nilang mapailawan ang mga pangunahing linya ng kuryente habang may susunod namang team na magpapailaw sa ilang mga pook na may natumbang poste ng kuryente.

Matiyaga rin anya nilang sinusuri ang mga service drop wires papasok sa mga kabahayan upang maiwasan ang mga hindi kanais-nais na pangyayari.

Target naman nilang mapailawan ang lahat ng mga barangay na nasasakupan ng ISELCO 1 hanggang sa weekend.