--Ads--
CAUAYAN CITY- Opisyal nang idineklara ng PAGASA ang pagsisimula ng Amihan Season o Northeast Monsoon.
Ito ay matapos maobserbahan na ang paglakas ng Northeasterly Winds sa hilagang bahagi ng Luzon matapos ang pananalasa ng bagyong Pepito.
Ayon pa sa PAGASA na dahil sa nangyaring paglakas ng high pressure area sa Siberia nitong mga nagdaang araw, inaasahan na magkakaroon ng paglakas ng northeasterly winds simula ngayong araw at bukas.
Inaasahang magiging malamig na ang panahon at titindi pa sa mga susunod na mga araw.
--Ads--