--Ads--

CAUAYAN CITY- Gamit ang tubig baha ay naapula ng mga volunteers at mga residente ang sumiklab na sunog sa Barangay San Vicente.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay SFO3 Felipe Ante ang Officer in Charge ng BFP Sto. Tomas sinabi niya alas diyes ng gabi ng matanggap nila ang ulat sa naganap na sunog sa bahay na pag mamay-ari ni Ginoong Rosmito Gannad.

Aniya sa kasamaang palad ay hindi nakapasok sa Barangay San Vicente ang Fire Trucl dahil sa isolated ng lugar dulot ng pagbaha.

Gamit ng tubig baha ay inapula ang apoy at para makarating ang mga imbestigator ay gumamit sila ng bangka.

--Ads--

Batay sa kanilang pagsisiyasat ng mangyari ang sunog ay brownout kaya ang siyam na taong gulang na anak ng mga biktima ay nag sindi ng kandila at ipinatong sa lalagyan ng damit bago sumunod sa kaniyang tatay na gumagawa ng balsa na gagamitin sana nila sa paglikas.

Dito na napansin ng mga kapitbahay ang apoy na nagmumula sa 2nd floor ng bahay.

Natupok ng apoy ang lahat ng gamit ng pamilya Gannad na kanilang naisalba sa baha na nagkakahalaga ng 70,000 pesos.