Pumalo na sa 195,260 pamilya o 725, 206 na indibidwal ang bilang ng mga naapektuhan sa pagtama ng tatlong magkakasunod na bagyo sa Lambak ng Cagayan.
Ang nabanggit na datos ay kinabibilangan ng 64, 332 pamilya mula sa Isabela, 57,799 pamilya lalawigan ng Cagayan, 6,900 sa Quirino, 3,290 sa Nueva Vizcaya habang 8 pamilya naman ang apektado sa Lalawigan ng Batanes.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Regional Director Lucia Alan ng DSWD, sinabi niya na nagpapatuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa Central Office para sa maihatid na rito sa Rehiyon ang mga Family Food Packs na ni-request ng mga Local Government Units.
Nilinaw naman niya na bagama’t may mga pagkakataon na nauubos ang kanilang mga buffer stock ay kaagad naman itong nare-replenish ng kanilang tanggapan para masiguro na mahatiran ng tulong ang mga nangangailangan.