--Ads--
CAUAYAN CITY –Umabot na sa mahigit P35 milyon ang naitalang pinsala sa agrikultura sa pananalasa ng bagyong Nika at Pepito sa lungsod ng Cauayan.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Engr. Ricardo Alonzo, City Agriculturist sinabi niya na umabot na sa P35,835,000 ang naitalang pinsala sa sektor ng agrikultura.
Umabot sa 870 na ektarya ng taniman ng mais sa East at West Tabacal Region ang naapektuhan na umabot sa P22 milyon ang production loss.
Nasa 153 na ektarya naman sa palay ang nasira na umabot sa P6 milyon ang halaga ng pinsala.
--Ads--
Bukod dito ay may mga gulayan ding nasira at umabot sa P5 milyon ang production loss.
Aniya dahil sa magkasunod na bagyong Nika at Pepito ay tuluyang nasira ang mga pananim dahil sa pagkalubog sa baha.