CAUAYAN CITY-Naglabas ng pahayag ang Office of Senior Citizen Affairs o OSCA Cauayan hinggil sa Senior Citizen na natatanggal sa Social Pension
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay OSCA Head Edgardo Atienza Sr., sinabi nito na walang kinalaman ang kanilang opisina sa pagkakatanggal ng social pension ng ilang mga senior citizen sa lungsod
Aniya, ang social pension ay tulong na nagmumula sa Social Welfare and Development na siyang may kapangyarihan na magtanggal ng mga senior citizen
sa listhan ng mga social pensioner
Sinabi rin ng opisyal na walang palakasan o kaya’y pulitika na nangyayari dahil hindi naman sakop ng kanilang opisina ang pagdadaragdag o pagtanggal ng
mga social pensioner
Ayon pa kay Atienza, ang mga tinatanggal sa listahan ng social pension ay mga senior citizen na nakakatanggap ng pension mula sa SSS, GSIS at PVAO
Binigyang linaw din na hindi naman lahat ng walang pension mula sa SSS, GSIS at PVAO ay makakatanggap ng social pension mula sa DSWD dahil tinitignan din ng ahensiya ang estado ng pamumuhay ng isang senior citizen