--Ads--

CAUAYAN CITY- Paiigtingin ng Isabela-Anti Crime Task Force  o I-ACTF ang pagbuo ng mga local task force sa bawat bayan sa para sa masiguro ang

kaligtasan ng mga mamamayan sa buong lalawigan ng Isabela

Ayon kay IACTF Chairman Ismael Atienza Sr, planado ang malawakan na pagbuo ng mga local task force sa buong lalawigan ng Isabela

Makikipag usap ang kanyang opisina sa lahat ng mga alkalde ng bawat bayan at siyudad upang maisakatuparan ang kanyang plano

--Ads--

Aniya may ilang bayan na ang mayroong local task force gaya na lamang dito sa lungsod ng Cauayan

Sakaling mabuo ang plano, mas mapapaigting aniya ang pagsugpo sa kriminalidad sa buong lalawigan

Samantala, matatandaan na kamakailan din ay nagpahayag ang chairman hinggil sa planong pag-activate sa 24/7 visibility ng mga Barangay Tanod

kapalit ng incentives nang sa ganoon ay mula macro hanggang micro ang magiging monitoring ng ahensiya sa bawat bayan