CAUAYAN CITY- Nakatanggap ng Presidential Assistance for Farmers and Fisher Folks ang nasa 1,500 qualified Farmers mula sa Region 2.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Regional Executive Director Rose Mary Aquino ng DA Region 2, sinabi niya na ang mga Magsasakang nabigyan ng tulong ng Pangulo ay batay sa ipinasa sa kanilang listahan.
Nilinaw naman niya na na hindi lahat ng magsasakang tumanggap ng tulong ay rehistrado sa RSBSA dahil ang prayoridad ng Pamahalaan ngayon ay mabigyan ng assistance ang mga magsasakang lubhang naapektuhan ng mga nagdaang bagyo, gayunpaman ay may pre-positioned naman silang tulong o binhi para sa mga magsasakang hindi makakatanggap ng tulong.
Batay sa datos ng Da Region 2 umabot sa 3.2 billion pesos ang pinsala sa pananim sa Region 2 at lubhang naapektuhan ng Isabela kung saan naitala ang 2 billion pesos na pinsala sa pananim at high value crops.